“Hindi Pala Ikaw”

kamusta ka na?.
ako kilala mo pa ba?.
ako nga pala yung naiwang nag iisa.
Yung umasa sa mga pangako
mong too good to be true pala.

Pero di kita sinisisi sa nakaraan.
Andito ko para ikay pasalamatan.
Dahil sayo andami kong natutunan.
Dahil sayo nalaman ko ang salitang “laban”.

Pag laban sa mga sakit na dinulot mo.
Sa bawat patak ng luhang binilang ko.
Sa bawat kirot ng pusong sinusuka ang pangalan mo.
At sa bawat galit na pilit nilalabanan ko.

Siguro nga talaga minsan ganto.
Yung akala mo sumasabay lang kayo sa alon ng mundo.
Yung pilit kang humahawak sa pangakong kelan man di naging totoo.
Hangang sa pag lingon ko nakaahon ka na pala habang nalulunod pa ko.

Eto ay para sayo.
Para sa mga araw na sinayang ko.
Sa bawat patak ng luha ni di karapat-dpat sa isang tulad mo.
Para sa sakit at lamat na inwan mo sa puso ko.
At para sa mga kahapon ko na bihag ng ala-ala mo.

Salamat sa iyo.
Sana kilala mo pa ako.
Dahil darating ang araw at makilita mo.
Makakawala na ko sa gapos na pumipigil na makalaya ako.
At magiging masaya din ako..