Ilang taon na ang lumipas.
Parang hangin na nagdaan.
Sumuko ka, sumuko din ako.
Parang ang dali nating sinukuan ang naramdaman.

Nasaktan ka, nasaktan din ako.
Pero ang mahalaga ay SINUNOD natin Siya.
Hindi naman ibig sabihin ‘pag masaya ay ito’y tama.
Puso’y mapanlinlang, minsan nga tayo’y nabiktima.

Damdamin ay hindi dapat laging inuuna.
Sapagkat ang ating Nilikha ang Unang Pag-ibig.
Ano ang silbi kung tayo’y masaya..
..ngunit nasasaktan at nasusuway na pala natin Siya?

Walang ugnayan na naging matibay kung hindi naaayon sa kalooban Niya.
Walang magtatagal kapag hindi nagmula sa Kanya.
At nang sinabi Niya, “Bitawan mo na”
Nahirapan man tayo pero ang pagsunod sa Kanya ang TAMA.

At ngayon ay alaala na lang ang nakaraan.
Hindi ko alam kung tayo’y muling pagtatagpuin.
Sa kabila ng lahat ako ay hindi naghihinayang.
Sapagkat ang PAGSUNOD ko sa Kalooban Niya ay tanda ng higit na pagmamahal ko sa Kanya kaysa sa’yo..

..at alam kong ‘yun ay naiintindihan mo,
‘pagkat gano’n ka rin..

Siya muna bago tayo.
SI LORD MUNA BAGO TAYO.