Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tama na siguro yung maraming panahong nilaan ko. Tama na siguro yung efforts at sakriprisyo. Wala eh, siguro ganun talaga.

Masyado kasi akong nagmadali, haha. Akala mo mauubusan haha! Siguro sadyang malupit ng tadhana. Pero yun yung paraan para tayo matuto.

Wala namang halong pagsisisi, kasi naramdaman ko din naman yung pagmamahal. Marami rin akong dapat ipagpasalamat.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ah alam ko na, way yun ni Lord para mapalapit ako sa kanya. Hala! Nakakakilig naman haha. Minsan talaga noh? Susubukin at susubukin ka ng pagsubok.

To the point na, ikaw mismo kinekuwestiyon mo na kung kamahal-mahal ka ba o anong kulang sa iyo. Ganun. Pero marerealize mo rin kasi na walang ibang tutulong sa iyo, kundi ang sarili mo.

Matic na yan si Lord, lagi naman andyan Sya never umalis. Sya ang bukod tanging loyal.

Siguro kaya mabigat kasi binubuhat mo mag-isa. Siguro kaya mahirap kasi di mo sinasabi sa Kanya. Siguro kaya nakakapagod dahil panay ang takbo mo palayo sa Kanya.

Yung para bang posporo? Unti-unti kang nauubos.

Ewan, magulo pa utak ko eh. Oo, lahat yan tumatakbo sa isip ko haha kaya wag mo ng subukang pasukin o basahin mababaliw ka lang.

P.s. Di ko kamay yan. Kamay yan ng minahal ko ng matagal pero may mahal na iba.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required