NGAYUN IKAW AY MAGBABALIK,

UBOS-UBOS ANG PANANABIK

NINANAIS MAHAGKAN MATATAMIS MONG HALIK

SUBRA KITANG NAMISS, SA PALIPARAN AKO’Y PUMANHIK

 

SA PAG AANTAY KO, TANAW KO’Y ANG LAYO

TILA BAGANG NANUNUKSO, NA MAS PATAGALIN ANG PAG AANTAY KO

AYAW KONG E ALIS ANG MGA MATA KO

SA DAANAN NG MGA BUMABABANG PASAHERO

 

AT NANG DUMAAN ANG ILANG MINUTO,

ABOT TANAW NA KITA MAHAL KO

LABIS LABIS ANG TUWANG NARAMDAMAN KO

ANG YAKAP MONG KAY TAGAL NA HINANAP HANAP KO

 

HALIK ANG SALUBONG MO, YAKAP NA MAHIGPIT IYON ANG INAASAHAN KO

NGUNIT HINDI, HINDI NANGYARI ITO, PARANG NAKAKAPANIBAGO

BAKIT GANUN? KAHARAP LANG KITA NGUNIT PARANG ANG LAYO-LAYO MO

GUSTO KONG MAG TAMPO, PERO DI KO ALAM KONG PAANO

 

UNA KANG NAGSALITA, NA TILA NAG KA ILANGAN PA

KAMUSTA KA, NA MISS KITA NG SUBRA

NAPANGITI LANG AKO, PERO ABOT- ABOT ANG SAYA KO

GUSTO KO NG DI KUMIBO, NG AKO’Y BIGLANG HALIKAN MO

 

AKO NAMAN ITONG SI MARUPOK AY AGAD NAGPATALO

SINIIL NG HALIK ANG BAWAT ISA, RAMDAM ANG PANANABIK MO

NIYAKAP MO AKO, AT BIGLANG TUMIGIL ANG MUNDO

NAPAWI LAHAT NG SAMA NG LOOB KO

 

GANITO TAYONG MARURUPOK, CERTIFIED NA POKMARU

KUNTING LAMBING LANG BIBIGAY NA TAYO

DAMI NA NATING KAPAREHO KO,

WALA TAYONG MAGAWA EH SA MAHAL NATIN KASI YONG TAO.