Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kamusta ka na, ok ka lang ba , anong ginagawa mo mga tanong na gusto ko itanong sayo sa tuwing naaalala kita. Sa totoo lang madalas kita iniisip lagi din ako gumagawi ng tingin sa bahay minsan nga gusto na kitang itanong sa kababatang kapatid mo kung nasan ka kaso di naman ako masasagot nito kasi 3 years old Lang ito haha

Madaming araw, linggo , buwan, taon na simula nung niligawan kita naaalala ko pa nun simbang gabi sumasama pa ako sayo kahit alam kong bawal ito sa relihiyon ko. Nung mga panahong dinadalaw pa kita sa bahay niyo yung magsusuot pa ako ng damit mo para lang mapasaya ka yun ang mga panahong sobrang saya ka kahit na alam Kong malabo hanggang sa tinigilan kita dahil sa nabasa ko sa message mo di ko alam kung sinadya mo ba ito o hindi dahil sa nabubuksan ko account mo pero sobrang nasaktan ako nung nabasa ko Yun. Dumaloy agad ang luha ko ng sandaling yun kasi napapaisip ako na ginawa ko naman lahat kahit na alam kong malabo kasi akala ko pag ginawa mo best mo para sa isang tao makikita nya at baka sakaling magustuhan ka kaso wala talo parin. Alam mo yung kanta ng the juans na hindi tayo pwede ganung ganun hindi tyo pwede

Pasensya ka na kung pinili kong hindi ka na kausapin kasi nagbabakasali ako na sa paraang Yun makalimutan kita at di kita maisip kaso taon na ang lumipas alam ko masaya ka na patuloy parin sa iyong pangarap pero Ito si ako naiwan … Naiwan sa panahon na Kung saan naglulugmok parin at nagbabakasakali na maging tayo ang matagal ko ng pinapangarap. Kada new year winiwish ko kay god na mawala na tong feelings ko like legit pero di ko alam bat Sobrang lakas parin ng feeling ko tinatanggap ko naman na malabo tlga pero di ko magawa

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Hindi ko pinapanalangin kung Mabasa mo man to o hindi pero gusto ko lang sabihin sayo na kahit na ganun ang Nangyari satin actually sakin Lang pala na mahal na mahal parin kita at kahit na di na tayo naguusap sana

Salamat princess

Send me the best BW Tampal!

* indicates required