IWASAN – NAKAKAMATAY NG PUSO
Categories Contribution

IWASAN – NAKAKAMATAY NG PUSO

DTR. Define The Relationship.

 

Masyadong cliche pero hindi mo alam kung kailan ka mabibiktima ng ganitong set up.

3 salitang madaling bitiwan sa mga taong nakakaranas kantahin ung “Migraine”. Pero paano na kung ikaw na yung nasa sitwasyon? Magiging madali pa rin ba? Masasabi mo ba sa sarili mo na hindi ka matatakot ano man ang marinig mong sagot?

Magiging Matapang ka ba sa mga HINDING sagot nya?

“Pasenysa na pero hindi tayo pareho ng nararamdam. Kapatid lang ang tingin ko sayo”

“Pasensya na hindi ko alam na ganyan na pala ang napaparamdam ko sayo”

“Pasensya kana pero hindi pa ako handa pero importante ka”

Maging matapang ka pa kayang mawala yung mga nakasanayan mo?
Yung magdamagang usap.
Maaga pa sa magpapandesal na “Good morning, bangon na!”
Pakilig na “Kumain kana ba? Huwag kang papagutom!”
Pahulog na “Kape tayo? Gusto kita makausap pa”
Paasang “Importante ka”

Makamandag. Mabilis. At Mahirap makaalis once nasa sitwasyon kana. Kaya habang wala ka pa sa sitwasyon na to, umiwas ka na. Huwag maging isa sa milyong napapabilang ng mga taong, nagkape, nagpalpitate, umasa.

Maging committed kay Lord, at maniwala na sa timeline NIYA, mangyayari ang lahat. Tandaan, wala pang nag kakastiff neck kakatingala at kakapray. Mainlove muna kay Lord. Para malaman kung paano ba kasarap ang totoong pagmamahal. Para maramdaman kung paano ang pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Sa tamang panahon.