Nakakabingi yung katahimikan.

Tanging boses Mo lang ang nais kong pakinggan.

Ilang beses ng sumubok makinig, pero tigas ng ulo ko pa rin

ang nanaig.

Sa bawat kilos, ako’y nabibigo.

Sana sakit bigla na lang maglaho.

Patunay na ako’y mahina kung wala Ka at

Kung hindi Ka nakilala.

Nakalimutan kong sa bawat pangako Mo may pag-asa.

Akala ko may kulang, nawala sa isip ko na Sayo lang dapat umasa.

Sa bawat pagdapa ko’y hindi mo ko iniwan.

Lagi Kang nandyan para ako’y hawakan.

Pagmamahal Mo lang ang tanging kailangan.

Ikaw lang ang laging sandalan.

Akala ko mahahanap ko sa iba ang nais ng puso ko.

Nabulag ako at nabingi. Nakalimutan kong Sa’yo palang buo nako.