Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mga salitang kanyang binitiwan.

Puno ng galit, inis, lungkot at awa.

Di ko alam anu at saan ang mali. Pero ayokong  umalis kahit sobrang sakit na. Ayokong umalis kasi gusto kita samahan. Gusto ko makinig sayo kahit alam ko wala naman tayo. Gusto ko makinig sa kung anu ang nasa loob mo. Kung bakit nagbago at naging halimaw ka ng iyong nakaraan. Ngunit, Natigilan ako bigla mo nasambit kung Sino ako ?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sino ako?- na dumurog sa puso at pagkatao ko.

Sino nga ba ako ? Sino nga ba ako para sayo, na kahapon kausap mo lang, kangitian mo lang, na kabiruan mo lang. Sino nga ba ako ?, na natulog kasama mo magkayakap pa tayong dalawa. Sino nga ba ako? na nagkwento sayo ng buong pagkatao ko. Pero lahat yun naglaho sa mga salitang binitiwan mo.

Sana sa araw na maging ok ka na. Maalala mo kung Sino nga ba ako para sayo?

Dahil wag ka mag- alala sa araw na yun ako naman ang magtatanung ng “Sino ka nga ba?”

Dahil sa araw na yun ako naman ang magsasabi sayo ng “Just leave”.

Just leave dahil wala naman tayo..

PS; minahal kita kasi ikaw yung nagpabago ng pagtingin ko sa lalaki at ikaw din nagpaalala sakin kung gaano ako katanga. Salamat !

Send me the best BW Tampal!

* indicates required