Sa ika labing anim na kabanata ng aking libro nakilala kita
Natakot man
na muling magtiwala ay sumubok na.
Ang mga blankong pahina ay napuno ng
mga awit at tula.
Mga magagandang bagay tungkol sa ating dalawa.
Ako ang bida at ikaw ang aking leading man, tila kanta ng Harana na
istoryang magwawakas sa pag ibig na wagas.
Ngunit dumating ang wakas,
hindi naging perpekto ang ating kwento at kailangan ng magtapos,
mali ko lang ba ang dahilan ng pagdating nito sa tuldok?
O ikaw ang syang may pinaka malaking dahilan ng pagtatapos nito.
Ganito na lamang ba kadali lagyan ng tuldok ang istorya na ilang taon na
nating sinusulat?
Ganito na lamang ba ka dali na sabihin na pagod ka na?
Hihinto na lamang ba dahil masakit na ang kamay at ubos ang tinta?
Siguro nga tama na, isuko na ang gyera na ako na lamang ang mandirigma
Isuko na ang pagkapit dahil bumibitaw ka na
Siguro nga tama na, tuldok na, dapat ng tapusin ang kabanata nating
dalawa.