Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sana totoo nalang ang bawat yakap,
at ang bawat ngiti ay aabot sa alapaap.
Na lahat ay may pagmamahal na galing puso,
para saakin at hindi para sa ibang tao.

Naisip ko pwede bang ako nalang?
Tanong na hindi na nga pala kailangan.
Dahil sa kilos at salita mo palang,
Alam kong saki’y wala kang nararamdaman.

Pero bakit sa bawat ala alang ating ginagawa,
puso’y sumasaya at ang pagmamahal ay lalong lumalala.
Alam kong mali na mag-isip na may malisya ang lahat ng ito,
pero masama bang pagbigyan ang sarili ko?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero simula ngayon ipinako ko sa sarili ko,
hindi na aasa ulit sayo o kahit kanino.
Ibabaon ang pagmamahal na ito.
Aayusin ang damdamin at isip hanggang matuto.

Itong gagawin ay para sa sarili ko,
At para sa susunod na taong mamahalin ko
na hindi na ako paasahin tulad ng ginawa mo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required