Kabit
Categories Poetry

Kabit

Mahal kita, iyan ang sabi mo.
Namimilog pa ang mga mata mo kapag sinasabi mo ito.
Pero paano nga ba tayo humantong sa ganito?

Nung una’y walang kasingtamis mo akong hagkan.

Ang higpit ng yakap mong ayaw mo akong pakawalan.

Ang tawanan nating umaalingawngaw sa kapaligiran.
Ang buong akala ko’y ang pag-iibigan nati’y walang katapusan.

Hanggang sa..

Anong nangyari sa ating dalawa?
Bakit may mga ginagawa kang kakaiba?
Ako’y nagtataka.
Saan ka ba pumupunta?
Sino ba yang kausap mo?
Tinatago mo pa.

Nagmukha akong tanga!
Sa iba ko pa nalaman na hindi pala ako nag-iisa.
Ako pa pala ang nakikihati sa kanya.
Ang sakit di ba?
Yung malaman mong ikaw pala ang lason na sumisira sa pagsasama ng iba.
Wala kang kaalam-alam na ginagamit ka pala niya.

Pero nakakabilib ka.
Sa kapal ng mukha mo’y lumapit ka pa.

Nakiusap, lumuhod at lumuha.
Ang sabi mo, mahal mo akong talaga.
Mahal? Mahal nga ba talaga?
Hoy!
Hindi mo na ako maloloko pa! Hindi mo na ako mapapaniwalang may tayo pa. Tinatapos ko na. Iiwan na kita.
Dahil sa puntong ito’y alam ko na, hindi tamang mahalin ang taong pag-aari na ng iba.

*relax, hindi ko storya ‘to, sa kakilala ko ito.*