Minsan natanung mo rin ba?

Sino ba talaga ang tunay na masaya?

Yung laging may ganap sa social media o yung may milyon na pera?

Bakit parang sa aking nakikita,

Yung meron konti lang pero sapat na

Dahil ang mahalaga sa kanila buo ang pamilya.

Ikaw,kailan ka huling sumaya?

Yung totoong saya na di kailangan ng pera

Kailan yung huling tumawa ka na kasama nila?

At na sabi mo,salamat sa pa ala-ala.

Dahil katulad ng panahon,pabago-bago

paikot-ikot din ang problema.

Kaya siguro nabibilang na lang yung nagsasabing masaya sila.

Kailangan mo ba talagang hanapin tunay na kasiyahan?

Di ba’t yung iba nandyan lang?

Bakit kailangan mo pang bumili ng mamahaling laruan?

At umakyat sa kabundukan?

Bakit!Para saan?

Sinasabi mong hahanapin mo lang?

Kaya simulan mo na,habang may oras pa

Wag mo intayin na mahuli ka

Dahil baka bukas o makalawa

Wala na s’ya o sila.