Inayos kita,
Unti unting inaayos kita,
Ngunit hindi namalayan,
Sarili ko’y nasisira na pala..

Inayos kita,
Dahil gusto ko buhay mo’y mag iba,
Maging mas maganda,
Para naman sana, may magandang maidulo’t ako sa’yo sinta,

Inayos kita,
Sa mga panahong tingin mo sa sarili mo’y sirang sira na,
Isa ako sa pinaka naniwala,
Naniwala sa mga kakayanan mong hindi mo makita..

Inayos kita,
At naayos ka nga..

Naayos ka,
Mga bisyo mo’y iyong itinigil pansamantala,
Tiwala sa sarili mo’y muling nakita,

Naayos ka,
At naging masaya tayong dalawa..

Pero noon pa man,
Mahal naman talaga kita,
Kaya nga ginusto ko na ayusin ka.

Pero sa kagustuhuan ko na ayusin ka,
Eto ako, nasira..

Habang inaayos pala kita
Sarili ko’y nasisira na..
Habang tinutulungan kita na mahanap ang sarili mo sinta,
Ako naman pala ang nawala na,
Kaya naman, sarili ko’y aayusin at hahanapin ko muna..

Ngunit, ako na bumuo at umayos sa’yo,
Ang siya din palang sisira muli nito..

Ginusto kong ayusin ang sarili ko,
At sa pag ayos ko,
Ang inayos at binuo ko,
Ay ako ring bumawag nito..