Kahapon at Bukas

Hindi ko mapagtuunan ng pansin ang ngayon
Dahil para akong iniipit ng bukas at ng kahapon
Mga tanong at panghihinayang
Sa isip pa rin ay nangingibabaw
Mga takot at agam-agam
Halos walang patid ang alingawngaw
Paano nga ba mapapatahimik
Mga haka-hakang sa sarili ay bulong
Sa kapayapaan ako’y sabik
Mayroon bang makakatulong?
Hindi ko na masabi kung hanggang kailan
O hanggang saan kaya pang magtiis
Ang nais ko lang naman ay maranasan
Muling ngumiti ng wala nang pait at puro ang tamis

Published
Categorized as Poetry

By Charm

28. Lover of words that make sense. Emotionally turbulent. Self-love re-learner.

Exit mobile version