Kahapon ng Kalungkutan
Categories Poetry

Kahapon ng Kalungkutan

Minsan iiyakan mo na lang talaga
Ang mga lugar kung saan kayo dinala
Ng malilikot niyong mga paa
Kung saan binuo niyo ang isang masayang ala-ala
Na kayong dalawa lang ang naging magkasama

Sa bawat lugar na puno ng memorya
Na akala mo hindi matatapos basta basta
Ngayon ito nagluluksa ka
Hindi dahil namatay siya
Kung di dahil namatay ang pangarap na kasama siya

Oo masakit na sa bawat araw umaasa pa
Umaasa na sana kayong dalawa
Na sana noong mga oras na kasama mo siya
Hindi mo hinayaang matapos ng basta
Na sana nasabi mo sa kanya
Na sobrang pagmamahal mo sa kanya

Sa bawat paglingon mo sa paligid
Mga mata mo’y pilit na nagmamasid
Baka sakaling siya’y nasa gilid gilid
Kahit na baka ang totoo kasama siya ng kanyang iniibig

Oo masakit na sa bawat araw gigising ka
Tinitingnan mo kung nagtext ba siya
Kung pangalan niya ang bububgad sa umaga
At bubuo sa araw mong kulang sa saya
Ngunit hindi, malabo pa sa iyong mga mata
Katotohanan na iniwan ka
Ng taong minsan sinabi mong may forever ka sa kanya

Oo malabo na talaga
Ang pangarap mo sa altar ipunta
Sapagkat binalewala ka na
At mas pinili niya mapunta sa iba
Kay sa ingatan at mahalin ka
Dahil mas nakita niya ang bukas kasama ang iba

Hanggan saan ka magmumuni muni sa ala-ala
Kailan titigil ang luha sa iyong mga mata
Kailan mo sasabihing okay ka na
Kailan muli sisilay ang mga ngiti sa labi mo sinta
Kung siya ang labis na sayo’y nagpapaligaya

Hanggang kailan mo kayang magpanngap
Na sa gabi lumuluha ka
Tapos sa umaga pinilipit mong maging masaya
Hanggang kailan mo kayang ipakita sa kanila
Na nagpapakatatag ka ng sobra
Kahit sa totoo lang hindi mo na kinakaya

Bakit nandyan ka pa rin
Hindi siya kayang limutin
Bakit takot kang bawiin
Yung nasa loob ng iyong damdamin
Bakit hindi mo unawain
Na hindi ka niya kayang piliin

Mga araw na nagdaang kasama mo siya
Mga kulitan na hindi mapapantayan ng iba
Mga joke niyang sayo’y bentang benta
Mga banat niyang puro lang pala bola
Hanggang kailan ka magpapakatanga
Kailan ka gigising sa panaginip na walang kwenta

Oo masakit
Sobra yung sakit
Puno ka ng bakit
Maraming bagay ka nang pinagpalit
Pati sarili mo’y gusto mong ipilit

Hanggang kailan ka magiging ganito
Hanggang kailan AKO ganito
Hanggang kailan ko patatahanin ang sarili ko
Kasi wala ka naman na sana nagpupunas ng luha ko
Hanggang kailan ako magtatago
Sa sobrang sakit na naramdaman ko

Kasi nagpagago ako
Nagpabola sa feelings mo
Nagpakatanga sayo
At sayo nain love ng husto

Sabi ko okay na ko
Hindi ko kailangan ng lalaki sa mundo
Pero dumating ka at binago
Pinatibok muli ang puso
Pusong dating kasing tigas ng bato

Dumating ka kung saan handa ako
Makipaglaban sa mundong sobrang gulo
Handang lumaban para sayo
Pero hindi pala hanggang dulo

Mga katagang mahal kita
Pinalitan mo ng paalam na
Sabi mo wag kitang iiwan
Pero ako naman ang iyong nilisan

Gago ka
Nagpagago ako ng sobra
Sana masaya ka
Masaya ka sa kanya
Kasi ako pipiliitin ko mabuhay ng wala ka
Pipilitin kong buoin yung pinangarap nating dalawa
Pipilitin ko hanggang masabi ko na
Kaya kong magisa
Salamat lumisan ka

Ngayon nakaya ko na
Balikan yung mga lugar na ikaw ang kasama
Kahit ngayon isa ka na lang ala-ala
At ang dating dalawang pares ng paa
Ngayon mag-isa, nakatayo at may ngiti na ulit ang mga mata..