Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ikaw.
Ikaw na minahal ko ng buong puso.
Ikaw na pinagkatiwalaan ko ng buong buo.
Ikaw na nagbigay ng dahilan upang muli’y mangarap ako.
Ikaw na nagsabi na hindi ka magbabago.
Ikaw na nangako na hanggang sa huli ay tayo.
Ikaw na nagsabing gusto mo akong makasama hanggang dulo.
Ngunit bakit ngayon “ikaw” ay naglaho?

Ako.
Ako na nagmahal sa’yo ng totoo.
Ako na handang maghintay sa mga pangako mo.
Ako na handang gawing lahat para sa’yo.
Ako na ginugol lahat ng oras at panahon ko,
Ako na walang ibang inisip kundi kapakanan mo.
Ako na ginawang langit kahit ang impyerno.
Ngunit bakit hindi pa rin ako sapat sa’yo?

Tayo.
Tayo na magkasamang bumuo ng bawat pangako.
Tayo na sabay pinaglaban ang pagibig na ito.
Tayo na nilagpasan ang bawat unos at bagyo,
Tayo na nangako na walang magbabago.
Tayo na nagsumpaang hanggang sa dulo
Nasaan na ngayon yung dating “Tayo”?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required