Kaibigan o Ka-ibigan

Kaibigan, kaibigan, kaibigan….

Mga salitang pilit ibinibigkas ng aking isip, ngunit taliwas na bigkas ng aking puso.

Ngiti na ngayon na lamang nakikita sa aking mukha na ikaw ang dahilan.

Nananabik na makita ang mensahe mo na may pang-aasar ngunit ang asar ay napapalitan nang kilig.

Ngunit ang kilig ay napalitan ng kaba. Kaba na ramdam ng aking puso na kahit walang pag-asa patuloy pa ding mananatiling kaibigan para sayo.

Kaibigan na handang maghintay upang maging iyong ka-ibigan.

Exit mobile version