Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ako’y nakangiti sa harap mo
Pilit pinipigilang tumulo ang mga luha
Pinapakitang masaya
Kahit ang puso’y nasasaktan
Pinipilit ang damdaming maging masaya
Sa pag-ibig na iyong nakita

Sinubukan kong lumayo
Ngunit ika’y nakiusap
na manatili sa tabi mo
Bakit hindi ko matiis
Na makita kang malungkot dahil ayaw kong
mawala ako
Na isang kaibigan mong tinitiis ang sakit

Kailan kaya mawawala ang pait
Kailan kaya maalala ang damdamin ko sayo
bago kita minahal

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Dasal ko sa Panginoon
Kung di man ikaw ang magpalaya
Sana ang puso ko ang maging malaya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required