Kamusta?
Categories Relationships

Kamusta?

Kamusta?

Isang katagang muling mag uugnay sa mga taong nagkawalay

Kamusta? isang salitang muli kong nakita at pagka basa ko nito tila nagkakulay ang mundo, biglang humuni ang mga ibon, nag slow-mo ang galaw ng mga tao sa paligid ko.

Doon naniwala ako na ang buhay pag ibig ay pwede mong ihalintulad sa isang eksena sa teleserye, babagal ang takbo, lalabo ang tingin mo sa lahat na para bang naka focus ang camera sa inyong dalawa lang…

Pero, teka, kamusta palang yan, bigla ng nagbago ang ikot ng mundo ko. Tinapik ko ang sarili ko at narinig ang sarili kong tinig,

“Huwag kang mapangiti, may kailangan lang yan tanga.”

Lumakas bigala ang ihip ng hangin, yung malamig na para bang gumigising sa puso mong nangangarap, yung malakas ng matauhan ang utak mong nagsasabing “Oo, kaya pa…”

Natigilan ka, naalala kung paanong nag tama noon ang inyong mga mata. Ang mga lihim na tingin na kung saan ay umaasang lilingon din siya. Mga kamay na noon ay hawak hawak niya na para bang ayaw ng kumawala. Ang mga labing palaging nagsasabing mahal kita.

Natigilan ka, naalala kung paano niya iniwas ang kanyang mga mata. Ang dating lihim na tingin na may konting pag asang lilingon siya ay naglaho na. Binitawan na niya ang iyong kamay na tila ba ay ayaw na niyang hagkan. Ang mga labing naging tikom na sa pag sasabing mahal kita.

Mahal kita kagaya ng muling pagsikat ng araw sa umaga.

Mahal kita kagaya ng mga ulap na nililipad ng hangin saan man mapadpad.

Mahal kita kagaya ng patuloy na pag alon ng dagat sa dalampasigan…

Basta Mahal Kita, hindi na kailangang ipaliwanang ang mga dahilan kung bakit, paano, at kailan nagsimula…

Mahal kita at hindi na kailangan pang ipaliwanag ang dahilan…

Mahal kita at kahit ako na lang mahal parin kita…