Kapit

Yung feeling na akala mo yun na, kapit na kapit na sya sayo.

Labas gums na tawanan, nagtatawagan kahit walang sinasabi o sasabihin. Nagsasabihan ng, “kain ka na, wag kang magpapagutom, ingat ka palagi”. Constant reminder nyo isa’t isa. You have each others back ang drama pero no label. Hanggang sa naramdaman mo yung lakas ng loob, lakas ng loob na bigyang linaw anong meron sa inyo. Ang lakas ng kabog ng dibdib mo parang sasabog, hanggang mabitawan mo ang tabong na, “ano tayo?, anong meron sa atin?, meron bang tayo?” Tumahimik ang paligid, rinig mo lang buntong hininga nya sabay sabi, “hindi ka ba masaya sa anong meron tayo?, mas okay namang ganito na no label”

Ouch! Masakit. Ang sakit. So ano yung mga sweet gestures mo? Practice ba yun? Or pinakapit mo lang ako sa “TAYO” pero ang totoo walang “TAYO” kasi hindi mo nahanap sa kanya ang salitang “TAYO”.

Sayang kunapit na sya oh, kapit na kapit na sya sayo, pero bumitaw ka. Sana sinubukan mo man lang syang kapitan, malay mo sya pala.

Pero salamat na lang daw sayo kasi kahit papano, kahit saglit lang naramdaman nyang kumapit ka sa kanya, pero hindi ka kumapit sa nararamdaman nya. Hinayaan mo syang mahulog ma walang sumalo, hanggan bumagsak sya at sa sobrang sakit ng pagkabgsak, manhid na sya, na kahit may nararamdaman pa sya sayo naging manhid na syang hindi masaktan kasi ganjn ka nya ka gusto.

Sana kumapit ka. Kasi ako kapit na kapit na ako kaso dumulas kamay mo.

Published
Categorized as Memes
Exit mobile version