KISAPMATA
Categories Relationships

KISAPMATA

May mga bagay talagang matatawag mong “kisapmata”
masasayang sandali na bigla nalang mapapalitan ng hinanakit sa isang kisapmata.
mga panahong mundo mo at mundo ko ay iisa pero sa isang kisapmata; ito ay magkaiba na.
mga oras na sa sobrang bagal ay di mo na namalayan na sa isang kisapmata wala ka ng halaga sa kanya.
mga salitang “mahal kita” na sa isang kisapmata ay “nasan kana”?.
bakit nga ba? anong meron sa isang kisapmata?
yung tipong nakamit mo na yung hinihiling mo ng ilang buwan at taon sa isang kisapmata ay wala na?
may masisisi ka ba?
may magagawa ka ba?
may nagawa ka ba?
para pigilan yung kisapmatang pagkawala nya?
pagkawalan nya ng pagmamahal sayo?
pagkawalan nya ng interest sayo?
pagkawalan nya ng oras sayo?
di ba masyadong madaya?
na sana kung gaano kabilis ang isang kisapmatang pagkawala nya.
eh ganoon din kabilis kang mawawalan ng pakiramdam.
yung tipong kisapmata mo ring malilimutan yung sakit.
yung tipong kisapmata mo ring mararamdamang wala na ang hapdi.
yung tipong sa isang kisapmata manhid ka na.
totoo yatang lahat ng bagay ay may hangganan.
hindi lahat ng bagay ay permanente.
hindi lahat ng bagay ay posible.
dahil sa isang kisapmata lahat ng mahahalagang bagay sayo.
bigla nalang mawawala.