Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Matagal na rin ng huli kitang ma kita
Matagal na rin ng huli kitang makausap
Matagal na rin ng huling beses akong ngumiting totoong masaya.

Kumusta ka na ba?
Kumakain ka ba ng tama?
Namimiss mo rin ba ako?
May dumating bang time na naligaw ako sa isip mo?

Minsan pinapanalangin ko na sana kahit sa panaghinip makita kita
Sana kahit sa panaghinip makausap kita
Sana kahit sa panaghinip mayakap kita
Sana kahit sa panaghinip makita ko yang ngiti mo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Lahat hangang sana nalang
Lahat hangang panaghinip nalang
Lahat hangang pangarap nalang
Lahat hangang dito nalang

Tama ba ung ginawa kong desisyon?
Bakit pakiramdam ko napagkikitalo ako araw araw sa sarili kong emosyon.
Bakit yung tama sa nakakarami yun naman un masakit para sakin?
Bakit ganito? kailangan kong magsinungaling sa tunay kong nararamdaman.

Mas ok ba para sayo na manatili tayong ganito?
Walang imik nanatiling tahimik
Nagpapakiramdaman o ako lang un nakakaramdam ba?
Na wala naman talaga akong naging puwang sa mundo mo.

Minsan gusto ko nalang mawala lahat ng pagmamahal na meron ako para sayo.
Minsan gusto ko nalang iiyak lahat lahat baka sakaling pag tumahan ako wala na kong nararamdaman.
Minsan gusto ko nalang magpakalunod sa alak baka sakaling mamahid ako at hindi na kita maramdaman pa.

Pero hindi. Ayoko. Hindi lang ang puso ko ang nanatiling lumalaban para mapasok ko ang mundo mo.
Even my soul never give up on you. Bakit nga ba?
Anu bang pinanghahawakan ko bakit hindi nawawala tong pagmamahal na ito?

Pero hindi ko pwedeng ipilit ang mga bagay ng magisa ako
Hindi ko pwedeng sundin ang tunay kong nararamdaman hangat hindi ko alam kung may puwang ba ako sa puso mo.
Hindi ko pwedeng ipakita kung ganu kita kamahal dahil sa mata ng nakakarami isa tong maling hakbang.

Mananatili nalang na tahimik hangang sa isang araw magmilagro ang langit at sumangaun ang kapalaran
etong pananahimik ko ay iyong marinig at dumating ka isang araw para sabihin “pasensya na natagalan lang, huwag kang magalala narinig kita.Nandito na ko, yun ang mahalaga.”

#knock2xlockheart

Send me the best BW Tampal!

* indicates required