Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Paano mo sasabihin

Kung ayaw mo aminin

Paano mo malalaman

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kung hindi mo liligawan

Ayan na, umalis na siya

Dahil mas masaya siya sa piling ng iba

Naging duwag ka at natanga

Dahil ang laman ng isip mo ay puro siya

Hindi naman niya kasalanan na naduwag ka

Na sabihin sa kanya ang tunay mong dinadama

Natakot, Naduwag, Natanga, lahat na

Dahil ikaw yung taong di marunong magpahalaga

Siguro nga ay marunong kang magpahalaga

Magpahalaga ng totoong nararamdaman para sa kanya

Pero dahil duwag ka, hindi mo nasabi ito sa kanya

Nasanay ka kasing parating nandiyan lang siya

At ngayon naisip mo na

Hindi lang ikaw ang nilalapitan niya

Dahil mabait din siya sa iba

Pero ikaw mabait lng sa kanya

Akala mo mabait lang siya sayo

Pero dahil extrovert ang pinili mo

Nilalandi rin niya ang iba sa harapan mo

May kasama pang dikit ng kamay at mas malapad na ngiti kesa sayo

Eh ano ngayon kung introvert ka

Mahiyain, Duwag, at Takot

Hindi mo ba naisip ang nararamdaman niya?

Tuwing kapiling ka siya’y inaantok at nababagot

Masyado ka kasing tahimik

Anjan na nga sa harapan, ayaw pa umimik

Sumama na siya kung saan siya masaya

Pero ikaw duwag parin at nagpapakatanga sa kanya

Send me the best BW Tampal!

* indicates required