Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kung pwede lang, sana di na kita nakilala
Hindi na sana nahihirapan at naguguluhan pa
Kung pwede lang, sana natuturuan ang puso
Hindi sana nararamdaman itong pagkalumo

Kung pwede ko lang sanang sabihin
Ngunit ayaw na kitang abalahin
Masaya na akong kita’y abot tingin
Na sana pwede “tayo,” bulong sa panalangin

Masaya na ako sa minsang ikaw’y nakakasama, pansamantalang akin ka
Napagmamasdan ang iyong mukha at mga matang nakatawa,
Kahit alam kong hindi ako ang dahilan
At kahit kailanman’y hindi magiging dahilan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero wag kang mag-alala hindi naman ako umaasa
Na ikaw at ako’y magkakaroon pa ng pag-asa
Sa paglipas ng panahon ang nararamdamang ito’y tatangayin din ng alon
Hanggang sa ala-ala nalang ang maging baon

Mas gugustuhin ko pang manatili tayo sa pagkakaibigan
Panigurado na iyan ay pangmatagalan
Maituturing na totoo sa panghabang-panahon
Sa ngayon, dalangin ko ang iyong kaligayahan sa lahat ng pagkakataon 🙂

Send me the best BW Tampal!

* indicates required