“LABAN”
Categories Poetry

“LABAN”

Oo, LABAN.

Kay hirap nga naman kahit iyo lamang mapapakinggan,

Alam nating lahat yan,

Laban na hindi lang basta literal na labanan,

Kundi isang digmaan,

Isang digmaan na kailangan mong panalunan,

Hanggang sa kahuli-hulihan.

Takot? Pagaalinlangan?

Kasama yan sa laban.

Na minsa’y halimbawang ginagawang kadahilanan

Upang hindi ipagpatuloy ang laban.

Laban na maaaring mauwi sa luhaan,

Kahirapan, kapahighatian, o kung ano pa man,

Na pwede mong maranasan kung iyong hahayaan,

At hindi buong puso ipaglalaban.

Lumaban man na walang kasiguraduhan,

At hindi alam ang maaaring kahantungan,

Ngunit kung may paninindigan,

At may paniniwala sa Kataas-taasan,

Makakayang lampasan ang mga dadaanan.