Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ako ay natulala nang ikaw ay aking nakita.
Ako ay napahanga sa taglay mong karisma.
Lagi kong panalangin na sana ay ligtas ka.
Saan ka man magpunta sana ikaw ay masaya.

Buhat nang ika’y makilala
Araw ko’y laging gumaganda
‘Pag ika’y lumapit na
Ngiti’y abot hanggang tainga

Ako ma’y hindi mo napapansin
Ayos lang naman ‘yun sa akin
Masakit nga lang isipin
Ngunit kailangang tanggapin

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi maamin amin sa’yo
Tunay na nararamdaman ko
Bigla Kong napagtanto
Ikaw na pala ay mahal ko

Sa bawat pag ngiti at pagtawa mo,
Hinihiling ko na sana ang dahilan ay ako.
Para sa akin ayaw ko sa isang tulad mo,
Dahil ang gusto ko ay ikaw mismo.

Kahit na alam kong ika’y walang pagtingin
Nandito lang ako sakaling kailanganin
Lahat ay kayang gawin
Dahil ikaw ay hindi na iba para sa akin.

Sa aki’y ikaw lamang ang nag-iisa
Ngunit ikaw nama’y may mahal nang iba
Unti-unti nalang na palayain ka
Kahit ni minsa’y ‘di naman tayo naging dalawa

‘Di na kailangan pang sa’yo ay umamin pa
‘Pagka’t alam ko naman na ang resulta
Advance kase ako mag-isip
Hindi ako ‘yung tipo mong trip

Sa puso, ika’y mahalaga kahit sakit ang dala.
Mahal kita pero mahal mo naman siya.
Kaya’t ililihim nalang, pagtingin na nadarama
Tatanggapin nalang na pinagtagpo tayo ngunit hindi tayo para sa isa’t isa

Send me the best BW Tampal!

* indicates required