Sa mga panahong nagdaan
Sa litrato lang kita namamasdan
At sa bawat pag titig sa iyong mga mukha
Pagpatak ng mga luha’y bumababa
Pero sa bawat luhang pumapatak
Dulot nitoy galak
Dahil sa kahit sandaling nakasama ka
Minahal mo ako ng sobra sobra
Hindi man kita magawang hagkan
Pero kaya kitang mahalin ng walang hanggan
Wala kaman ngayon saking tabi
larawan mo’y pilit kong itatabi.
Maaga kamang lumisan
Hindi ito naging hadalang
Dahil mananatili ka saking puso’t isipan
Ngayon at magpakailanman