Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Lalaki sa may bintana
Nahagilip ng aking mga mata
Unang beses kang makita
Iba na ang nadama

Di maalis sa isipan
Pagbigkas ng iyong pangalan
Tila isang pako
Nanaibaon sa aking puso

Aking pinagmamasdan
Tanawin sa aking kapaligiran
Nang biglang nasulyapan
Ngiting nagbigay ng kasiyahan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Inaabangan araw araw
Ako sana’y iyong matanaw
Sa gilid ng bintana
Nandyan ako’t hinihintay ka

Send me the best BW Tampal!

* indicates required