Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Lumapit ka at nagparamdam na parang may nais ipahiwatig. Dumaan ang mga sandali, araw-araw kang nagpapadala ng mga mensahe. Kamusta kana? Kumain ka na ba? Lagi mo ding sinasabi na mag-iingat ako. Pinaramdam mo sa akin na mahalaga ako at nasanay ako na lagi kang nandiyan.
Isang araw tinanong kita, kamusta ang kondisyon ng puso mo? Ang tanging salita na nasabi mo “nasaktan ako”. Alam ko sa loob mo nasasaktan ka parin at hindi mo pa siya kayang bitawan at pakawalan. Hindi ko alam kung anong dapat kong mararamdaman.

Rebound lang ba ako para sayo?

Nabored ka lang ba?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Wala kang makausap?

Putcha naman oh, sana sinabi mong kaibigan lang ang kailangan mo. Sana hindi kana lumampas pa dun.

Muka akong tanga.

Ganun ba ang tingin mo sa akin?

Ginawa mo akong escape plan.

Buti nalang, buti nalang talaga, hindi ako nagpadala sa agos dala ng matatamis mong salita. Buti nalang naiahon ko ang sarili ko bago ako mahulog.

Pinalaya kita kahit hindi naman naging tayo. Wala kang narinig na tanong kung bakit?paano?

Sana lang sa sunod na magmahal ka, siguraduhin mong buo ka. Wag kang magsalita at magpakita ng mga bagay na walang kasiguraduhan at hindi mo kayang panindigan.
Wag kang mag-alala sa pagdaan ng panahon. Mapapawi at maghihilom din ang mga sugat. Maaring pagdating ng araw, masaya kana at ganun din ako. Maaari, siguro talagang hindi tayo itinadhana.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required