Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa bawat araw na lumipas, ikaw lang ang nais kung makasama. Ikaw lang ang laman ng pusong ito.
Sa bawat minuto ng aking paghinga, tinig mo ang gusto kung marinig. Salitang mahal kita ang nais ko na iyong sambitin.
Nang sabihin mong uuwi ka na, lubos na galak ang aking nadama.
Hindi makatulog sa bawat gabing hinihintay ka.
Ngunit lahat ay nagbago. Bigla kang nagbago.
Hindi mo na ako mahal. Wala nang pag-ibig, sabi mo.
Saan ba ako nagkulang? Sabihin upang aking mapunan.
Subalit hindi na maiibabalik. Hindi mo na maibabalik.

Sa bawat salitang aking binasa sa iyong mga mensahe, ang salitang hindi ko na kaya ang lalong nagpasikip ng aking damdamin.
“Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko na mahal kita.”

Bakit. Bakit. Bakit. May iba ba? Bakit ngayon pa kung saan pa na nandito ka na. Malapit ka na. Makakasama na sana kita.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi ko parin lubos maisip na sa bawat buwang aking hinintay upang makita ka lang ay nawalan na ng saysay.
Hindi ko matanggap na hanggang ganoon na lang. Ganoon na lang sya matatapos.
Sabi mo para sa akin ito. Makakakita din ako ng isang tao na mas lalamang sa iyo. Ngunit hindi, ayaw ko. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang at wala nang iba. Sabihin man nilang martyr ako, pero ikaw lang talaga.

Ilang araw ko ring tiniis ang mga luhang tumutulo.
Ilang araw ko ring iniisip, saan ako nag kulang? Mahirap ba akong mahalin?

Kung bibigyan tayo ng isa pang pagkakataon nais kung ibalik ang tayong dalawa.
Yung mga alaala nating nagtatawanan at kumakain sa pastilan.
Yung mga yakap mong kasing higpit ng yakap ko. Yung mga lakad natin na hawak lang ang mga kamay mo. Yung mga texts mo araw-araw, “Good morning. I love you.”
Yung mga video calls mo  at tawag mo sa tuwing break time ko.
Yung sasabihin mo na “kumain ka na…”
Lahat ng iyon. Mamimiss ko. Lalo na yung Titigan mo ako.

 Alam ko wala na talaga. Bumitaw ka na. Pero sana binigyan mo naman ako ng pagkakataon na pag usapan natin ang TAYO para nalaman ko man lang na ganito  pala.
Na sa pagbalik mo, wala na. Wala na ang dati mong nadarama.
Mahal. Mahal kita. Mahal na mahal kita.
Salamat sa isang taong mahigit na pagkukunwari na mahal mo ako. Salamat sa oras na binigay mo para mapadama na minsan naging tayo. Masakit man pero wala akong magagawa. Ikaw ang bumitaw at hindi na kita pipilitin pa na gustuhin ako. Masaya na ako na makita kang masaya kahit hindi na ako ang dahilan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required