Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

History: So i was decluttering my files then i saw this weird notes with a filename of “Minsan may isang duwag” so i got curious and opened it. And it was like an open letter. So way back 2018 i met a girl but because of my doubts, nawala sya. Don

t know if she ghosted me or what but hey nung nabasa ko ulit yung letter, i still felt the pain. Oh well, I’ve learned my lesson the hard way. Cant even remember na nagawa ko tong notes. Siguro sobrang lungkot ko lang that time. 🙃 4 months after our last talk, nagka boyfriend naman na sya so yeah, happy for u (joke. Mejo lang. LOL). Anyway, here goes nothing 🙃

 

Yow!

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kamusta? Tagal na din nung huli tayong nag usap ah

Isang buwan na din siguro no? Andami ko ng utang na kwento sayo haha

Naalala mo yung kinekwento kong paborito kong band na LANY? Nakapanood ako ng concert nila dito sa Japan. SOLID! ONE OF THE BEST DAYS OF MY LIFE!

Nakita mo din siguro pumunta kami ng Osaka saka Kyoto. Ganda ng kuha ko no? hahaha

Grabe no? Parang kelan lang kausap pa kita

Tas ngayon, walang wala na.

Sorry ha? Iniisip ko kaya tayo umabot sa ganito kasi natakot ka

Alam mo na

Kumakain tayo sa labas ng tayong dalawa lang

Nanonood tayo ng sine

Nag kekwentuhan tayo sa messenger. Sakit na nga ng tenga ko minsan saka antok na antok nako kaso balewala yon kasi nga gusto din namang kausap

Sorry kung di ako nakapagsabi kaagad.

Sabi ko kasi sa sarili ko one year muna tayo maging magkaibigan bago ko mag laydown ng intentions e. Sabi ko pa end of May ako magsasabi.

Bobo ko no? may pa one year one year pako haha

Yoko kasi mawala ka sa buhay ko e

Di ko naisip feelings mo

Baka nalilito ka na sa pinapakita ko

Minsan din kasi nararamdaman ko na gusto mo din naman ako.

Kaso wala e, obob talaga e

Ganun din pala ending

Mawawala ka din.

Sa totoo lang, nakahanap nako ng perfect resto kung saan ako magsasabi

Ganda ng reviews don, ganda din ng ambiance. Mejo pricey nga lang pero kaya naman.Lapit pa yun sa inyo kaya ganda loc.

Iniisip ko pa kung tulips o sunflower ibibigay ko. Parehas mong paborito yun di ba?

Yan na. 1st week of May na. Kumain pa tayo non sa labas, naalala mo? Saya saya pa natin non.

Kaso di mo naman nasabi na after non, magbabago lahat.

Di na tulad ng dati.

Wala na yung dating okay.

Di ka na nakikipag usap.Di mo na sinasagot tawag ko.

Ni seen zoned nga di mo magawa. Notif-zoned lang ako sayo.

May nagawa ba ko that night? May nasabi ba ko? Sabihin mo naman o. Ang hirap kasi ng ganito. Nasanay kasi ko e. Nasanay ako sayo.

Ang hirap din pala. Di ko inakala na aabot tayo sa ganito. Natapos ang May. June. Napakadalang mo magreply. Siguro swerte na kapag naka tatlong palitan tayo ng uisap e. Pag HAHAHAH na reply mo, wala na, finish na.

Alam mo nung huli tayong nagkita? July. Naalala mo? Bago ko bumalik dito, sabi ko sa sarili ko, its now or never. Magsasabi ko sayo ng tunay kong intentions.

Tuwang tuwa ako nun na sinagot mo tawag ko. Its now or never.

Nag usap tayo. Nagkwento ka. Kinwento mo mga nangyare sa buhay mo that time. Nakinig ako. Pinakinggan ko lahat.Lahat ng ginawa mo at plano mo. Syempre may mga kwento din ako. Kaso. Yung mata mo. Blangko. Nakatingin ka sa akin pero wala ka talaga. Di kita kasama. Di ka nakikinig. Tumatagos yung mga salita

ko sa tenga mo. Di ka na interesado. Tulad ng dati. Wala na. Wala na talaga.

Alam mo medyo nakausli pala palikod yung dalawang ngipin mo katabi ng main teeth mo sa unahan. Nawawala na din kulay ng buhok mo na brown. Sabagay, last year ka pa nagakulay. Ang haba na din ng buhok mo. Wag mo sana paiklian ah. Mas bagay sayo pag mahaba buhok mo.

Tumataba ka na din ngayon. Okay yan kesa nung mga panhong di ka nagkakakain kasi niloko ka ng ka M.U. mo.Payat payat mo kaya nung una tayo nagkita haha

Ganun pala yun no? Pag alam mo na yun na yung huling beses mo sya makikita o makakausap. Maaalala mo lahat.Parang sa pelikula. Mag fa flashback lahat.

Kinabisado ko nga mukha mo. Kaya siguro napansin ko lahat. Kasi yun yung huling pwede kong maalala. Yung ngiti mo. Gusto kong laging maalala kung pano ka ngumiti.

Sorry. Sorry kung nalito ka. Sorry kung nabagalan ka sa kin siguro. Ang gulo ko kasi e. Sorry napa overthink ka siguro sakin. Puro ko siguro e. Di ko naman nalaman kung ano nasa isip mo.

Pero sana malaman mo na sigurado ko sayo. Sigurado ako pero wala e, obob talaga ko e. Yan tuloy. Di ako makabitaw. Kung ano pa yung bagay na di ko nahawakan, sya pa yung nahihirapan akong bitawan.

Di ko na tatanungin bat ka bigla nawala. Alam ko naman.

Wala e.

Duwag kasi ko.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required