Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Unang araw ng ating pagkikita
Nabighani mo agad ang aking mga mata
Araw-araw kitang minamasdan

Pag – malungkot ako iisipin lang kita masaya na ako
Diko alam pero pag nakikita kita pakiramdam ko ako yung pinaka swerte sa lahat ng tao

Sa mga araw na nagdaan dumating ang aking kinakatakutan
Na lumalim na ang pagtingin sayo
Tandang-tanda ko pa noong sinabi mo sakin na mahal mo rin ako
At ramdam ko naman ang pagkatuwa mo at ng puso mo pagsinasabi mo ito
Isang araw napansin kong ang saya saya mo
Yung saya na diko pa nakita ni minsan sa mga labi mo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Doon ko nalaman na may iba kana
Iba na pala yung nagpapasaya sayo na dapat ay ako
Narealize ko na yung ibang tao nakukuha yung mga gusto
Pero ako’y pinagkaitan ng tadhanang maging masaya tayo

Napakasuwerte niya dahil sayo
Na hinihiling ko na sanay di kanya magawang saktan
Dahil kayo’y pinagtagpo ni kupido

Lumipas ang mga minuto, oras, araw, buwan
Naging kayo ng taong pinalit mo
Pero nasaktan ako ng malaman kong matagal mo na pala akong niloloko
Wala na nasaktan na yung taong nagmahal sayo

Nanlumo ako dahil yung saya ko noon akala ko matatamo ko sayo
Pero kinakailangan kong tanggapin na wala ng tayo
Masakit isipin na ang taong mahal mo ay may mahal ng iba
At lagi mong pakatatandaan na minamahal kita kahit nasa piling kana ng iba

Send me the best BW Tampal!

* indicates required