Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa taong dalawang lino’t dalawang pu,                                                                                  nakilala ko ang isang tulad mo
Bagamat suntok sa buwan na mapansin mo ako
Nagbakasakali ako na magpadala ng mensahe sayo.
Parang imposibleng mapansin mo ako
Masyado akong malayo sa mga kwalipikasyon mo

Ika’y talang walang kapantay ang ningning
Ako’y nasa lupa na sayo ay hanggang nakaw tingin
Ang mga ngiti mo’y walang kasing ganda
Nagbibigay sa akin ng tunay na ligaya

Isa kang bahaghari, maganda, makulay at puno ng ligaya
Hiling ko na ikay maging masaya
Sa bawat pahina at talata ng iyong istorya
Hiling kong makita ka sa dulo ng bahagharing iginuguhit ko
Nawa’y pag tagpuin tayo ng mundo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ika’y bahaghari ko, kaya kuntento na ako na paminsan-minsan nakikita ka ng aking magulong mundo. Q

Send me the best BW Tampal!

* indicates required