Maghihintay o Maghihintay?
Categories Waiting

Maghihintay o Maghihintay?

Sabi nila pagmatagal ka daw naghihintay mas worth it daw yung dadating. Naniniwala ako sa kasabihang yun kasi nasaksihan ko yun mismo sa sarili ko at sa mga kaibigan ko. Hindi ko sinasabing lahat pero minsan lahat ng mabilis na pagibig o relasyon mabilis ding nawawala o naghihiwalay.

Natututunan ko na hindi dapat minamadali yung mga bagay bagay. Inaabot ng ilang buwan o taon bago makabuo ng isang matibay na pundasyon sa isang relasyon. Karaniwan ng relasyon ngayon nabubuo sa mabilis na pagibig, kaya sa dulo? mabilis din naglalaho yung pagibig. Minsan kasi nagkakagusto lang ang isang tao base sa kung anong nasa labas na anyo at pagnakilala na nawawala na yung tinatawag nilang “spark”. True love grows over time ika nga nila, ibig sabihin paghindi ka napapamahal habang tumatagal ibig sabihin hindi yun totoong pagibig.

Natuto na rin ako sa mga kaibigan ko kung paano sila magkalovelife tapos maghihiwalay rin naman pala. Okay rin na natututo ka sa mga kaibigan mo habang pinagmamasdan mo silang nagpapalit ng jowa habang ikaw single pero hindi nasasaktan at hindi nakakasakit. Habang tumatagal sumagi sa aking isipan na mas okay ng maging single habang hinihintay yung para sayo kesa mabilis napa sayo pero maling tao naman pala.

At ngayon hinihintay ko pa rin siya kasi alam ko worth it siya. Hindi pa man kami nagtatagpo sa ngayon pero alam ko balang araw magtatagpo rin ang landas naming dalawa, sa tamang araw at tamang oras na pagtatagpuin kami ng tadhana. Sa ngayon, habang binubuo pa niya ang sarili niya at tinutupad ang mga pangarap lagi ko siyang pinaaalalahan na lagi akong anjan sa para sa kanya, na sa kahit anong oras na kailangan niya ng isang lalaking kaibigan pupunta ako sa kanya nang walang pagaalinlangan. Dahil ang tunay na nagmamahal marunong maghintay sa kanyang taong pinapangarap.