Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ngayong araw ay sobrang liwanag ng buwan

Iniilawan nito ang madilim na kalangitan

Nakakabighani ang kagandahan nitong taglay

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang sarap na dito ay tumunghay

Ikaw, ikaw na sa aki’y inilaan.

Ikaw rin ba ay nakatanaw?

Ikaw rin ba ay maraming katanungan?

Ngunit kagaya ko’y nagtitiwala pa rin sa kanya na may lalang.

Kagaya ng buwan at mga tala,

Darating din ang araw na sabay tayong magbibigay liwanag at hiwaga

Darating din ang araw na tayo’y pagtatagpuin ng may katha

Sa araw na siguradong tayo na ay handa

Kaya ngayon kung saan ka man,

Sabay nawa nating natitignan ang buwan

At sabay na nagdarasal na tayo’y magtagpo,

Magtagpo pag ikaw at ako ay ganap ng handa at kumpleto.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required