Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Simula pa nung una
Ako sayo’y humanga
Hindi nagtagal
Ikaw na pala ay mahal

Sa labis kong paghanga sa isang tulad mo
Saan ka man naroroon ako’y laging nakabuntot sayo
Ngunit dumating sa punto,
Ika’y tuluyan nang lumayo.

Hindi ko lubos maisip
Sana’y lahat ng ito’y panaginip
Na ika’y nasa piling na ng iba
Ako naman ‘tong naghihintay sa wala

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Masakit isipin na sa ating dalawa, ako lang ang nagmamahal ng husto
Habang ikaw may minamahal ng patago
Kaya hahayaan nalang ang pusong mahulog sayo
Kahit na walang sasalo

Send me the best BW Tampal!

* indicates required