Mahal ko, Hanggang sa muli

Hanggang sa maging tama na ang pagkakataon,

Hanggang sa hindi na natin kailangan ipaglaban ang ilang minutong kwentuhan

 

Mahal, alam kong mahirap at masakit

Walang kasiguraduhan ang lalakaran nating daan

Ni hindi natin masasabi kung anong kahihinatnan

 

Pero sa tingin ko, mas kakayanin ko na lumayo

Kung kapalit nito’y maisasaktuparan ng Diyos ang Kanyang plano

Alam ko na hindi ko kayang pagkatiwalaan ‘yong mga sinabi mo,

Maging ang kasalukuyan kong nararamdaman ay hindi ko natitiyak

Ngunit, alam kong sa plano at pag-ibig Niya

Hinding hindi tayo mabibigo

 

Dalangin ko na ingatan mo ang sarili mo

Sa pagbibisyo nawa ay hindi malugmok

Hangad ko ang ganap na kagalingan at pagkabuo ng iyong pagkatao

 

Magpapaalam ako, hindi dahil wala na akong pagmamahal

Magpapaalam ako dahil alam kong hindi ako ang siyang magpupuno sa bawat kulang

Magpapaalam ako dahil ‘yon ang kailangan Mahal, sana sa panahong buo na tayo pareho

 

Sana sa oras na maging handa na tayo

Sana, ikaw at ako pa rin Ang tibok ng ating mga puso

Na sa mahabang panahon Ay pinagingatan Niya sa Kanyang pinakamainam na plano

Exit mobile version