“Tula para sa isang Tala”
Categories Poetry

“Tula para sa isang Tala”

Noong panahong ako’y blangko mga galaw at kilos ay sa iba nakasentro. Bigla kang dumating sa buhay ko.
Sa pamamagitan ng gawa ni Bathala ikaw ay nakita. Nagsimula sa simpleng usapan na naging ugat ng pagkakakilanlan.
Nalaman ang pangalan, sambahan at ang estado mo sa Kanyang kaharian. Naramdaman kung paano mo ang Diyos pagkatiwalaan, sundan at luwalhatiin magpakailanman.

Ang akala kong pagkakaibigan lang, ay mauuwi pala sa malalim na samahan. Lalo na nung pinakita mo ang iyong kabutihan, doon ay may nagudyok na mapanalunan ang iyong kalooban.

Pero hindi lahat ay puro kasiyahan lalo na yung nagkaroon ng seryosong usapan, doon ko nalaman ang iyong nakaraan, kung paano ka lumaban sa kabila ng iyong naranasan, at kung paano mo ito mapagtatagumpayan

Ang oras ko’y saglit na huminto ng nalaman ko ito dahil sa kabila pala ng iyong mga kasihayan ay may nakakubling kalungkutan, mga damdaming ayaw maramdaman ng karamihan ang salitang “Masaktan”

Ngunit ng nalaman ko ito, hindi ko alam kung bakit ganito mas lalo kitang naging gusto at naging determinado. Hindi ko inakala na ikaw ang bibihag ng aking puso.

Nung naramdaman ko ito ng walang sapat na kadahilanan, sa Panginoon ay lumapit at nagbukas ng katanungan. Nakatagpo ng kasagutan at ito ang nilalaman
“Siya na nakaranas ng mapait na nakaraan ay kailangang alagaan, Siya na nasugatan ay dapat pahalagahan.”

Noong ito ay nalaman napagtanto ko na ikaw nga ay tunay na kayamanan, na dapat kang mahalin magpakailanman. Kaya’t ako’y patuloy na ipupursue ka ng walang kapaguran, hindi man maganda ang masabi ng kapaligiran. Ikaw ay ipaglalaban dahil you are worthy my woman

Ito lang ang gusto kong sabihin sayo mahal, lahat ng naranasan mo noon ay may aral. Magpakatatag ka at lahat ito’y idaan sa dasal.

Salamat sayo dahil patuloy kang nagiging inspirasyon ko at nagpapalakas sa lakad ko kay Kristo. Huwag kang magalala hihingi ako ng tulong Kanya upang ilead ka. Ayaw kong maranasan mong muli yun sinta. Kaya’t tayo’y magtiwala pa.

Tandaan mo isa kang tala isa kang regalo mula kay bathala kaya dapat ikaw ay hindi inaalila
Deserve mo maging maligaya!

Mahal ka Niya  Mahal din kita kaso ang oras ang dinidikta’y hindi pa. Ika’y hihintayin sinta. Mamahalin ng sobra sobra at ipagpapasalamat sa Kanya.

Prev THE BATTLE
Next Have You Ever Questioned God??