Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Pagsikat ng umaga,

ikaw na ang nasa isip,

ipapadala sa hangin,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


pangalan mo ang kalakip,

At pagdating ng dapithapon,

ibubulong sa sarili,

na hindi ikaw ang ipinangako,

para makatulog ako sa gabi,

na ang bukas na sisikat,

mawala ka man ay darating,

sapagkat itong pusong naliligaw,

mahahanap din ang kapiling,

Sa paglisan ng araw natin,

isisigaw ng buong puso,

itinatago ng damdamin,

itong pag ibig ko sa’yo.

Kaya ngayong gabi,

ipipikit aking mga mata,

ipagdarasal na sa panaginip,

mukha mo’y hindi na makita,

Sapagkat pagpikit ko,

mayron pa ring kaagaw,

siya na lang ang piliin mo,

dahil hindi naman Ikaw.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required