Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sana di mo na ako sinanay sa mga ka-sweetan mo, 
Nakakainis kasi umasa tuloy ako.
Parang shunga nagpadala sa mga damoves mo,
Ngayon nganga kasi iniwan mo.

Ilang heartbroken quotes at articles na ang nabasa,
Mata tuloy ngayon sobrang maga,
Halos lahat ng heartbreak songs na play ko na
Relate na relate parang tanga.

Pinipilit kalimutan ka, pero sa isip naka superglue ata
Naiisip mula paggising, bago matulog 
maging sa panaginip humahabol pa
Pisti! Di ka maalis alis sa sistema.

Kung sana mga chat mo noon ay iniwasan
Si Inday sana ngayo'y di luhaan.
Di na sana kinilig sa mga banat mong binitawan,
Kung sa huli naman ay mang-iiwan.

Sa una ka lang pala masigasig,
Walang palya ang pagpapakilig
Ngayon ako'y nanginginig
sa mga chat mong sobrang lamig.

Inakalang magiging tayo.Haha

Pero guess what?
Di man lang tayo inabot ng Pasko!
Oppps maling word ata nagamit ko
Dahil sa una pa lang wala namang TAYO.

Bakit ako umasa?Tanong nila.Kasi pinaramdam
mo na may pag-asa!
Nagbigay motibo ka kaya! May pa "I like you2x" ka pa nga!
Ang ending scam lang pala, huli na nang malamang ika'y NINJA!

Aaming ako ay iyong nauto,
Pero ngayon ako na ay natuto.
Di na magpapadala sa mga pa I miss you mo,
Update kita. . . Marupok no more na po ako!











Send me the best BW Tampal!

* indicates required