Minsan sadyang kay galing magbiro ng tadhana doon pa sa taong hindi saatin itinakda. Makakatagpo tayo ng taong babago at magbibigay sigla sa araw mong puno ng takot. Mga araw na kay bigat at puno ng puot. Sa tuwing makikita mo sya ni halos hindi ka makatingin at bubusugin ang puso mong puro hangin. Sa mga araw na puno ng saya, tawanan at asaran hindi mo aakalain na nahuhulog ka na pala. Nahuhulog sa mga tingin nya at nakaka aliw na titig nya. Wari koy matutunaw na ko sa tuwing titingin sa mga mata nya. Unti unti kong nararamdaman ang kilig sa bawat tawa at biro nya ngunit napapangiwi sa tuwing naiisip ko na hindi ka nga pala para sakanya.
Napapangiti ako sa tuwing babalikan yung mga araw na nakilala ko sya. Mga araw na sobrang saya at pakiramdam ko na ikaw at ako lang. Sinusulit ko ang mga araw na nandyan ka kasi baka bigla ka na lang mawala. Nakakatakot sa tuwing maiisip ko na mayroong sya at ako na mas higit sya.
Sadyang kay galing magbiro ni kupido na sobramg sakit naman na parang nabuhusan ka ng asido. Lapnos ang buong puso tagos hanggang sa huling ugat nito. Matagpuan mo man yung taong akala mo ay para sayo kasama ng saya, tawanan at biruan ay darating pa rin yung araw na mawawala sya at babalik sa kung sino ang nauna sa buhay nya. Nakakabitin yung mga araw na kasama at kayakap kita. Ang mga araw at oras na paulit ulit na sumusulyap. Darating din siguro yung araw na mawawala ang nakasanayan kong ikaw ang kayakap ko. Kasama ng mga memorya na iniipon at iniingatan ko. Hilingin ko man sa may kapal na maging tayo. Alam ko at alam mong hindi pwedeng maging ikaw at ako.