Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal kong buwan,

Mali ka. Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kanan at ikaw sa kaliwa. Mali ka. Hindi kita nakilala upang sa huli ay kalimutan ka at iwan. Mali ka. Kung akala mo na sa bawat pag tapos na pahina ay wala ng kasunod pa. Mali ka. Kung minsan mas madalas na wala ng komunikasyon at parang wala na ngunit ang tunay na tatak nasa puso makikita. Mali ka. Kung minsan akala mo lahat ng taong nasa paligid mo hinusgahan kana, ang buwan nakatago man nyan tandaan mo di ka nia iiwan. Mali ka. Hindi kita hinawakan sa kamay sa gitna ang bagyo at pag napagod na bibitawan ka. Mali ka. Hindi kita inukit sa puso ko kung pag dating na panahon matatabutan at mawawaglit lang ang samahang pinangako. Mali ka. Hindi tayo pinagtagpo kung tayo ay walang halaga sa bawat isa, alam mong ang salita ay kulang para ipadama amg tunay na nadarama. Mahal kita aking buwan!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required