“mahal na mahal kita”

Mga katagang katumbas na ng pangalan mo

Mga katagang nakasanayan nang bigkasin ng puso ko

Mga katagang kahit kailan hindi ko pagsasawaan

Mga katagang ikaw lang ang pag-aalayan

 

Isang araw bigla ka na lang dumating na parang bulalakaw

Ramdam na ramdam ka ng puso ko kahit hindi ka tanaw

Isa kang panggulat na masayang alalahanin

Isa kang nilalang na masarap mahalin