“pang real na since day one”

Mga katagang hindi ko napigilang sambitin sayo

Mga katagang simple lang pero siguradong sigurado

Naramdaman ko yung kilig mo nung araw na yon

May bahid ng kaunting takot, pero wala nang urungan yun na yon

 

Ang bawat palit ng mensahe sa mga unang araw ng pagmamahalan

Sigurado at tagos sa puso ang bawat nilalaman

Dahil kapag sinabi kong unang araw pa lang ay totoo na

Ang ibig kong sabihin unang araw pa lang mahal na kita