Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Unang pagkikita pa lang natin nagkagusto na agad ako sayo pero hindi pala pwede.

Hindi pala pwede kase hindi ka na pwede.

Hindi ka na pwede kase nasa isang relasyon ka na.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nasa isang relasyon ka na pero nagustuhan pa rin kita,

Tanga ko di ba?

 

Pero alam kong kahit wala ka sa isang relasyon ay hindi pa rin pwede.

Hindi pa rin pwede kase hindi mo ko gusto.

Hindi mo ko gusto kase hindi ako ang tipo mo.

Hindi ako ang tipo mo kaya sobrang hindi talaga pwede..

 

Pero alam mo pasaway ang puso ko,

Dahil kahit hindi mo ko gusto, gustong gusto ka pa rin nito.

 

 

Kaya mahal, mamahalin pa rin kita kahit sa tanaw na lang..

Send me the best BW Tampal!

* indicates required