Manindigan Ka!
#ParaSaMga…
Dear You,
Kung di mo kayang pahalagahan, bitawan mo. Kung di mo kayang panindigan, wag mong simulan. Kung di mo man rin lang itutuloy, tapusin mo na.
Para sa mga taong mahilig humingi ng ‘space’: Edi sana nag-Astronaut ka na lang para pagsawaan mo yung buong kalawakan. Hindi yung pagkatapos mong magsawa sakanya ay hihingi ka na ng space.
Para sa mga taong mahilig sa ‘cool-off’ : Edi sana naging aircon ka na lang na may switch. Para anytime pwde mong maadjust in the way na gusto mo. Hindi yung sasabihin mong cool-off tapos maghahanap ka lang rin pala ng ibang magpapainit sayo.
Para sa mga taong mahilig sa ‘wait muna tayo’ : Walang masamang maghintay lalo na’t kung ika’y totoong naghihintay. Pero kung gagamitin mo rin lang naman ang waiting season para makipaglandian sa iba habang ang pinag-aantay mo’y umaasa, edi sana naging waiting shed ka na lang. Total iba-iba rin naman trip mong pag-antayin.
Para sa mga taong mahilig sa ‘I’m confused, di ko alam kung may patutunguhan pa to’ : Una, sino bang nagsabi na pasukin mo yan? Tapos ngayon confuse ka? Eh diba pinili mo naman? Panindigan mo. Kung di mo kaya, pakawalan mo. Hindi yung pinapahirapan mong ibang tao dahil sa sira mong turnilyo sa utak. Pangalawa, walang patutunguhan? Edi sana di mo sinimulan. Hindi yung sa kalagitnaan ay mawawala ka na lang na parang bula dahil confuse ka. Manindigan ka. Edi sana naging mapa ka na lang para sana kahit paano may patutunguhan ka pa.
Para sa mga taong mahilig sa ‘hindi pa ako ready eh’ : Hindi ka pala ready eh bakit ka nakipag-relasyon? Ano to laro? May timeout? Taympers taympers, di ako ready. Edi sana naging referee ka na lang para anytime pwede kang magdeclare ng timeout. Hindi yung dinadamay mo pang ibang tao dahil sa di ka pa ready. Kung di ka ready, wag kang magcommit. Sisirain mo lang buhay nya at pati na rin sarili mo.
Kung di mo kayang pahalagahan, bitawan mo. Kung di mo kayang panindigan, wag mong simulan. Kung di mo man rin lang itutuloy, tapusin mo na.
Love,
Aubrey