Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mapapagod rin ako
Mapapagod rin akong isipin ka mula paggising hanggang pagtulog
Lakas naman kasi ng tama mo sa ‘kin, para tuloy akong sabog
Minsan kahit ang daming dapat gawin at asikasuhin,
Lagi pa rin nagagawan ng paraan na ikaw ang unang isipin

Mapapagod rin ako
Mapapagod rin ako sa kaka-text sa’yo
kahit di naman lahat nire-reply-an mo
Sa mga pagpaparamdam ko na patay-malisya ka lang
Ano ba… manhid ka ba? O talagang ayaw mo lang patulan?

Mapapagod rin ako
Mapapagod rin ako sa kahahanap ng oras mo
Balewala ang hirap kahit dumayo pa nang malayo
Yung makasama ka nang kahit ilang oras
Kung pwedeng tumigil muna ang panahon at ‘wag nang lumipas

Sa kahibangan kong ito, mapapagod rin ako
Pero sana bago ako mapagod mapagtanto mong gusto mo rin ako