Masaya Akong Masaya ka(?)
Categories Poetry

Masaya Akong Masaya ka(?)

Masaya akong masaya ka 
Nakakita ka na ng iba 
Masaya akong masaya ka 
Nakangiti ka na sa iba 
Masaya akong masaya ka 
Ginagawa mo iyon sa iba 
Masaya akong masaya ka 
Masaya ba akong masaya ka?
Mga katagang mahirap bitawan 
Mga katagang mahirap hindi bumuo ng katanungan 
Bakit ako kailangan ko pa umiyak sayo?
Bakit ako kailangan ko pa mag makaawa sayo?
Bakit ang bilis mong ibigay yung mga bagay na aking hinihingi noon?
Bakit hindi niya kailangan lumuha?
Bakit hindi niya kailangan magmakaawa?
Ako ang unang lumisan pero sa huli ako ang may katanungan 
Maraming sana, maraming bakit 
Napaka sakit.
Aaminin ko wala na akong pag tingin sayo 
Nasasaktan ako dahil sa mga bagay na ginagawa mo sakanya na saakin ay pinagkait mo 
Sana masaya kana sa ginawa mo.

Leave a Reply