Bago ka sumuko na lang basta, tanungin mo muna siya kung nung panahon ba na ayaw na niya, sinukuan ka ba?

291

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Patawad

“tama na, itigil na natin to” Isang kataga na sa puso ko ay sumira, Isang kataga na sa isip ko ay natira. Napagod ang mga puso, kailangan na yatang magpahinga. Natanong mo ba ako kung kakayanin ko ba? Kung kakayanin ko mawasak ang mundo na binuo nating dalawa? Yung mundo na pinuno natin ng mga makukulay na alaala. Yung mundo na minsang iningatan, inalagaan at itinago. Saan ako nagkulang? sabihin mo? bakit ka lumalayo? Tadhana ba natin to? o tadhana mo? kasi ikaw ang unang sumuko? pinilit ko labanan ang sakit, kumapit sa matitinik bahagi. ngunit bakit parang may mali?


Mahal patawad…

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:



nakalimutan ko yata itanong sayo, Kung tama pa ba ang mga ginagawa ko? Kung nabibigay ko pa ba ang mga kagustuhan mo? Kung natutuwa ka pa ba sa mga kilos ko? Kung mahal mo pa ba ako? Nakalimutan ko yata na parehas lang tayong tao, at hindi pinanganak na perpekto. Sana pala inilagay ko ang mga paa ko sa kinatatayuan mo, Nang malaman ko din ang nararamdaman mo. Ngayon ko lang naisip na naging makasarili pala ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required