Minsan kong narinig mula sa iyo

Ang mga salitang mahal mo ako.

Pag – ibig na alay aking nakita..naramdaman

Tila handang ibigay ang buong mundo

O baka dahil pakiwari ko’y ako ang mundo mo

Patawad…feelingerang frog yata ako dito.

Ngunit sa pagkakataong iyon

Puso ko’y hindi handa

Hindi handang magtiwala

Dahil minsan na itong nasira

Nasira ng dahil sa maling tao

Maling disisyon na tila mahirap mabago

Isang nakaraang mahirap tanggapin

Ng isang tulad mo

Puso ko’y hindi handa

Hindi handang masaktan

Hindi handang mawasak

Pero higit sa lahat

Hindi handang ako’y makasakit

Dahil sa mga oras na iyon

Ako’y hindi buo, wasak at durog

Pilit bumabangon mula sa kinasadlakang sakit.

Puso ko’y hindi handa

Hindi handang mahusgahan

Mahusgahan ng mga taong nakapaligid sayo

Nakita ang iyong kabutihan

Naisip ko…

Hindi ang isang tulad ko

Ang nararapat sayo.

Kaya maspiniling iwasan

Pilit tinalikuran

Sa paniniwalang iyon ang dapat

Pinakiusapang hayaan mo akong buuin ang sarili

At gayon din namn ikaw.

Panalangin na sa tamang panahon

Iyong makilala Ang The One ng iyong buhay

Hindi man ako ang ibibigay

Kung hindi na ako ang laman ng pusong taglay

Alam kong mas may hihigit pa

Dalangin ko…

Ikaw ay kanyang mahalin

Maging katuwang…kaagapay.

Ngunit higit sa lahat,

Kayo’y maging isa

Sa pagsamba sa may Likha

Na nagbigay ng pag ibig na nadama.